Pansamantalang ikinansela at delayed ang higit 200 flights tungo at palabas ng kabisera ng Indonesia sa Jakarta nitong Linggo ng madaling araw ng 1:30 a.m. (Western Indonesian Time), Setyembre 6.
Kasunod nito ang pansamantalang pagpapasara sa Soekarno-Hatta International Airport matapos mag-alburuto ang bulkang Anak Krakatau at magbuga ng makapal na abo kung saan naaberya ang humigit-kumulang 23,000 na biyaherong na-stranded ang pagpapasara ng paliparan.
Samantala, ayon geological agency ng Indonesia, nagpakita na ng sensyales ng pagiging aktibo ang nasabing bulkan nitong Sabado bago ito mag-alburuto ng 3:53 a.m. ng Linggo. (Western Indonesian Time).
Umabot rin sa ilang bahagi ng Jakarta at sa probinsya ng Lampung ang abong ibinuga ng nasabing bulkan ngunit wala namang naitalang biktima o pinsala ang lokal na awtoridad dulot nito.
Noong 2018, naitala ang pinakamapaminsalang pagsabog ng Anak Krakatau sa kasalakuyang panahon. Nagdulot ito ng tsunami kung saan 430 na katao ang nasawi.
















