-- Advertisements --

Nakatakdang magtaas ng presyo ng mga pamasahe sa mga pampasaherong eroplano sa mga susunod na araw.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na itinaas nila ang fuel surcharge sa Level 14 simula Setyembre 16 hanggang 30.

Nitong Setyembre 1-15 kasi ay nasa Level 13 pa lamang ang fuel surcharges.

Nangangahulugan nito na ang mga pasahero na bumabiyahe sa loob lamang ng Pilipinas ay mayroong dagdag pa babayarin na fuel surcharges na naglalaro mula P457 hanggang P1,336.

Habang ang pasahero na bumabiyahe sa ibang bansa ay magbabayad ng fuel surcharges na mula P1,509.08 hanggang P11,220.71.

Ang nasabing pagtaas ng fuel surcharges ay dahil sa muling pagsiklab ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.