-- Advertisements --
Asahan ang pagbaba ng presyo ng pamasahe eroplano mula Hulyo 16 hanggang 30.
Ito ay kasunod na ibaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa level 8 ang fuel surcharge.
Mula kasi nitong Hulyo 1 hanggang 15 ay nasa level 9 ang fuel surcharge.
Dahil dito ay ang mga domestic passengers ay magbabayad ng mga fuel surcharges mula P253 hanggang P787 habang ang mga international passengers ay magbabayad ng mula P835.05 hanggang P6,208.98.
Magugunitang umabot pa ng hanggang Level 19 ang fuel surcharges noong Abril 16 hanggang 30 noong kasagsagan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
















