-- Advertisements --

Umabot sa 13 katao ang nasawi matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Peru.

Ang small plane ay may lulan na mga turista na galing sa Nazca Lines archaeological site.

Mayroong 11 pasahero at dalawang piloto ang lulan ng eroplano ang mga nasawi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, matapos ang ilang minuto bago ito nag-take off sa Pisco, Peru ay bumagsak na ito sa Pueblo Viejo region.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.