-- Advertisements --

Nasa anim katao ang nasawi matapos ang pagbagsak ng eroplano sa North Carolina.

Lulan ang mga ito sa Cessna C550 ng bumagsak habang papalapit na sa Statesville Regional Airport.

Ayon kay Statesville Airport director John Ferguson na ang nasabing eroplano ay pag-aari ng negosyante at dating NASCAR driver na si Greg Biffle.

Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang paliparan hanggang tuluyang matanggal ang nasunog na eroplano.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ang nasabing insidente.