Muling nagsagawa ang US military ng airstrikes sa tatlong bangka na naglalaman umano ng iligal na droga sa eastern Pacific Ocean.
Ayon sa US Southern Command, na ang pinakahuling insidente ay nagresulta sa pagkasawi ng 8 katao.
Ang nasabing operasyon ay base sa kautusan ni US Secretary of War Pete Hegseth at ang Joint Task Force Southern Spear.
Matapos na makumpirma ang intelligence report na ang mga bangka ay inooperate ng Designated Terrorist Organizations ay agad nilang isinagawa ang airstrikes sa international waters.
Mula pa noong Setyembre ay nasa 95 katao na ang nasawi dahil sa ilang operasyon ng US military laban sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na kanilang uubusin ang drug cartels na siyang nagdadala ng iligal na droga sa US.
















