-- Advertisements --
Kinontra ng Hamas ang panawagan na sila ay tanggalan ng armas.
Ayon kay Hamas political leader Khaled Meshaal na kapag tinanggalan sila ng armas ay madali na silang patayin ng Israel.
Handa umano silang tumugon sa mga total ceasefire subalit nilalabag ito lagi ng Israel.
Hinihiling din nila na dapat ay agaran na magkaroon ng muling pag-sasaayos sa Gaza dahil sa labis na pagkasira mula sa pag-atake ng Israel.
Magugunitang ilang mga bansa gaya ng Qatar, Turkiye at Egypt ang nagtulong-tulong para magkaroon ng mapaypang pag-uusap sa pagitan ng Hamas at Israel.
Pinangunahan naman ng US ang pag-uusap sa dalawang panig kung saan nagkasundo ang Hamas at Israel na magpalitan ng bihag ganun din ang pagbubukas ng Rafah crossing.
















