-- Advertisements --
Mas paiigtingin na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa paglaganap ng mga online love scams na gumagamit ng artificial intelligence (AI).
Ayon sa PNP na mayroong pagsasanay ang PNP-ACG (Anti-Cybercrime Group) para agad na matukoy ang mga paggamit ng deepfake,AI at kahalintulad nito.
Isinusulong nila ang pag-upgrade mga kagamitan nila sa cybercrime at investigative tools.
May ugnayan na rin sila sa mga civil society groups para mas bumilis ang pagpasa ng impormasyon at agad na mahuli ang mga nasa likod ng scam.
Magugunitang inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na laganap ang mga AI love scams lalo na papalapit na ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa Pebrero 14.
















