-- Advertisements --

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Senator Ramon “Bong” Revilla sa kasong malversation ngayong Lunes, Pebrero 9.

Ito ay habang nakabinbin pa para sa resolution ang mga mosyon ng kampo ng dating Senador na kumukwestyon sa kaso laban sa kaniya may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Bilang resulta, iniatras ang arraignment ni Revilla kasama si dating Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineering Office finance section chief Juanito Mendoza sa Pebrero 16 sa oras na alas-otso trenta ng umaga.

Matatandaan, nakaladkad ang pangalan ng dating Senador sa flood control scandal matapos na isiwalat ni dating DPWH USec. Roberto Bernardo na nakatanggap umano ang dating Senador ng kickbacks para sa pag-endorso ng flood control projects.