-- Advertisements --

Inihayag ni US Presidend Trump na magkakaroon ng mas bago at pinagandang nuclear treaty ang isasagawa nila ng Russia.

Ayon sa US President na sa halip na paliwigin ang naunang kasunduan noong 2010 ay maganda na magkaroon ng bagong kasunduan.

Ipapadala nito ang mga Nuclear Experts para isagawa ang bago at magandang nuclear treaty sa Russia na pangmatagalan.

Magtatapos na kasi ngayong araw, Pebrero 6 ang naunang nuclear treaty ng US at Russia na pinirmahan noong 2010.

Ikinakabahala ng maraming bansa na baka mas lalong lumala ang nuclear wars ng Russia at US dahil sa pagtatapos ng kasunduan.