Nanawagan ang Lawyers/commuters group sa lahat ng biyahero na magbaon ng mas mahabang pasensya habang inaasahan ang matinding traffic ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, sinabi nitong mahalaga ang mahinahon at maagang pagpaplano ng biyahe upang maiwasan ang anumang aberya o komosyon sa kalsada, lalo na’t inaasahan ang biglaang pagdami ng mga sasakyan dahil sa holiday rush, Christmas parties at payday weekend.
Sinabi pa ni Inton, nananatiling mataas ang pangangailangan sa public transport tuwing Kapaskuhan kaya’t mahalagang magtulungan ang lahat upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.
Hinimok din niya ang mga taxi at TNVS drivers na huwag tanggihan ang mga pasahero at iwasan ang kanselasyon ng bookings dahil ito ay itinuturing na paglabag sa kanilang prangkisa.
Mahalaga pa aniyang kumita ang mga drayber ngunit bilang bahagi ng public transport sector ay dapat unahin ang maayos na serbisyo sa mga pasahero.
Tiwala naman ang grupo na maibabalanse ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangangailangan ng mga pasahero at ang kabuhayan ng mga driver.
















