-- Advertisements --

Hindi tinanggap ni Philippine Fencing Association (PFA) president Rene Gacuma ang paghingi ng paumanhin ni Leyte Representative Richard Gomez.

Kasunod ito sa ginawang pananakit ni Gomez sa kaniya sa lugar kung saan ginaganap ang Southeast Asian Games sa Thailand.

Nagpadala na ng sulat si Gacuma kay Dr. Raul Canlas ang Chef d’Mission of the Philippine delegation to the SEA Games at nakadetalye dito ang pangyayari.

Ang nasabing sulat din ay ipapadala sa Ethics Committee ng Philippine Olympic Committee (POC) at sa House of Representatives (HoR).

Nagbunsod ang insidente matapos na ikinagalit ni Gomez ang ginawang pagpalit kay Philippine fencing team member fencer Alexa Larrazabal.

Sinabi naman ng PFA na kahit may ilang pagkukulang si Larrazabal kahit na maganda ang ipinaktang laro sa tryouts.

Ilan sa mga pagkukulang ay ang bumabang attendance at ang walang dokumento na maipakita sa pagsabak nito sa ilang torneo sa ibang bansa.

Hindi aniya patas sa ibang fencer na nagsumikap at nagsakripisyo para maging representative ng bansa.

Hindi rin sumasagot si Larrazabal sa ilang mga mensahe nila.