Nagdesisyon ang FIFA na kanilang babawasan na ang presyo ng ilang mga tickets para sa World Cup matapos na umani ng batikos.
Maraming mga football fans ang nagalit ng ianunsiyo na ang presyo ng tickets para sa finals ng world cup ay aabot sa $4,185.
Dahil dito ay sinabi ng FIFA na mayroon ng $60 na halaga ng tickets na ito ay maaring bilhin sa bawat laro sa mga torneo sa North America.
Ang nasabing tickets ay ibabahagi ng mga national federations na ang mga koponan ay maglalaro.
Ibabahagi ng federations ang nasabing tickets sa kanilang mga loyal na football fans na nakapanood na ng mga nagdaang mga laro.
Dagdag pa ng FIFA na imbes na libo ang bilang ng tickets ay magiging daan na lamang ito.
Ang World Cup sa North America ay siyang unang edisyon na mayroong 48 na koponan mula sa dating 32.
Inaasahan ng FIFA na kikita sila ng nasa $10 bilyon sa nasabing torneo.
Ang pinakamurang tickets para sa group stage ay nagkakahalaga ng mula $120 hanggang $265 na hindi naman kasama ang co-host na US, Canada at Mexico.
















