-- Advertisements --
Huli sa isinagawang operasyon ng NCRPO sa Quezon City ang mag-asawa at isa pang kasabwat na itinuturong pumatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang na anak nito.
Kinilala ang mga suspek na isang dating pulis at ang misis nitong car agent na siyang ka-transaksyon umano ng biktima sa pagbebenta ng sasakyan.
Naging susi sa paglutas ng krimen ang nadiskubreng blood traces sa bahay ng mga suspek sa Novaliches.
Lumabas sa imbestigasyon na carnapping at pagnanakaw ang motibo sa krimen.
Nahaharap na ang mga suspek sa kasong double murder at carnapping.
















