-- Advertisements --

Pumayag si Russian President Vladimir Putin na hindi muna ito ng aatakihin ang Ukraine.

Ayon kay Putin na ito mismo ang hiling sa kaniya ni US President Donald Trump na magkakaroon ng isang linggong pagtigil sa pag-atake.

Kinumpirma ito ni Trump kung saan personal na request ito kay Putin.

Layon nito ay para maisaayos ang negosasyon at tuluyang makamit ang permanenteng ceasefire.

Hindi naman na binanggit ni Trump kung kailan naganap ang pag-uusap nila ni Putin.

Magugunitang isinusulong ni Trump ang ceasefire sa dalawang bansa kung saan makailang ulit na silang nagsagawa ng pag-uusap.