Agaw-pansin ang video ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na kasama ang kaniyang abogado na si Atty. Israelito Torreon sa isang tila mall.
Kapansin-pansin ang kaswal na pananamit ng senador na naka-shorts at t-shirt lamang, na malayo sa kanyang karaniwang pormal na bihis bilang mambabatas.
Hindi pa tukoy kung saan at kailan kinunan ang nasabing footage, na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko.
May nagpa-abot ng suporta, habang may bumatikos din at naghamon na lumantad ang mambabatas.
Si Atty. Torreon ang legal counsel ni Dela Rosa kaugnay ng mga isyung may kinalaman sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) ni Dela Rosa.
Kamakailan, lumutang ang balita na posibleng target ito ng ICC dahil sa kaniyang papel sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Dahil dito, pansamantalang hindi dumadalo si Dela Rosa sa mga sesyon ng Senado bilang pag-iingat.
Ayon sa kaniyang kampo, wala pang pormal na warrant mula sa ICC at patuloy ang legal na pag-aaral sa isyu.
















