-- Advertisements --

Nakatala ng bagong “first” sa kanyang kahanga-hangang karera si June Mar Fajardo matapos siyang maging kauna-unahang tumanggap ng Ramon Fernandez Trophy bilang Finals MVP ng PBA Season 50 Philippine Cup.

Inanunsyo ang milestone pagkatapos ng Game 6, kung saan nag-ambag si Fajardo ng 29 points at 23 rebounds sa 92–77 panalo laban sa TNT noong Linggo ng gabi.

Parehong Cebuano at kinikilala bilang dalawang pinakadakilang manlalaro sa kasaysayan ng PBA sina Ferenandez at Fajardo na ayon sa kanya labis siyang humahanga na muli mabanggit ang kanyang pangalan kasabay ng kanyang idol.

Ang kampeonato ring ito ang ika-12 PBA championship ni Fajardo, na naglapit sa kanya sa rekord ni Fernandez na 19 titulo, ang pinakamarami ng isang manlalaro.

Para sa 6-foot-10 superstar, nananatiling inspirasyon si “El Presidente” kahit limang pulgada lamang ang taas nito kumpara sa kanya.

“Isa siya sa mga nilu-look up ko. Hindi naman sa hinahabol ko, pero yung habol ko lang, championships,” paliwanag ni Fajardo. “Gusto ko pang manalo habang nandito pa ako. Bago pa ako dumating sa San Miguel, may winning culture na. Tumulong lang talaga kami.”