Kinumpirma ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang nalalapit na pagreretiro na ni June Mar Fajardo.
Sinabi ni Cone na huling maglalaro na si Fajardo sa fourth window ng FIBA World Cup 2027 Asian qualifiers.
Dahil dito ay hindi na rin tiyak kung makakapaglaro ang 36-anyos na si Fajardo para sa nalalapit na 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Dagdag pa ni Cone na noon pa man ay nais na ni Fajardo ang magretiro subalit isinama pa rin nila ito sa fourth window.
Mahalaga aniya na makasama nila ang 6-foot-11 na beterano at nine-time PBA Most Valuable Player.
Ang nakatakdang pagreretiro ni Fajardo ay naganap halos isang taon ng magretiro sa paglalaro sa Gilas Pilipinas ni Japeth Aguilar.
Si Aguilar ay naglaro sa national team sa loob ng 16 na taon.
Nakatakdang makaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa Agosto 28 habang at susunod na makakaharap nila ang Iran sa Agosto 30 na ito ay kapwa gaganapin sa Mall of Asia Arena.
















