-- Advertisements --
Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Titan Ultra 143-105 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Governors Cup.
Mayroon lamang tatlong puntos ang kalamangan ng Beermen 61-58 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng Beermen si George King na nagtala ng 35 points, walong rebounds at walong assists.
Habang mayroong 26 points at tatlong assists si Jerrick Ahanmisi at nag-ambag naman ng 22 points at limang rebounds si Don Trollano.
Nasayang naman ang nagawang 25 points,anim na rebounds at limang assists ni Joshua Munzon para sa Giant.
















