-- Advertisements --

Kinumpirma na ni Gilas Pilipinas star June Mar Fajardo na ito ay tuluyang magreretiro sa paglalaro sa national team.

Sinabi nto na ang laro nila ng Gilas Pilipinas kung saan tinalo nila ang Iran 68-56 ay siyang huling pagsusuot niya ng uniporme ng Gilas Pilipinas.

Mula pa kasi noong 2013 ay kabilang na ang Cebuano native sa Gilas kung saan ang head coach pa noon ay si Chot Reyes.

Sa kaniyang huling laro ay nagkapagtala ito ng anim na puntos, dalawang rebounds sa loob ng pitong minuto na paglalaro.

Si Fajardo ay nine time Most Valuable Player ng PBA.

Pinasalamatan nito ang kaniyang fans na nagtiwala at sumuporta sa paglalaro niya sa Gilas Pilipinas.

Nakatutok naman ito ngayon sa paglalaro niya sa San Miguel Beermen sa PBA.