-- Advertisements --

Hindi pa rin matiyak ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kung makakasama ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee sa Asian.

Makakaharap kasi ng Gilas Pilipinas ang Bahrain sa Setyembre 11 na gaganapin ito sa Japan.

Nagpasya kasi si Brownlee na hindi na sumama sa Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asia Qualifiers laban sa Jordan sa araw ng Biyernes , Agosoto 28 at sa Iran sa Linggo, Agosto 30.

Sinabi pa ni Cone na walang indikasyon na makakasama si Brownlee sa Asian Games sa Nagoya kung saan defending champion ang Pilipinas.

Una rito ay hiniling ni Brownlee na huwag maglaro muna para makarecover mula sa injury na kaniyang natamo noong third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers at sa PBA Finals.

Wala rin aniyang kasiguraduhan na makakasama ng Gilas Pilipinas sa Asian Games ang mga naturalized players na sina Bennie Boatwright dahil kailangan pa nito na makakuha ng Philippine passports at si Ange Kouame na mayroon pang kontrata sa France.