Nasawi na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral matapos na ito ay natagpuan sa malalim na bahagi ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.
Kinumpirma ito ng kapulisan sa Benguet matapos ang insidente nitong hapon ng Disyembre 18.
Base sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, patungo si Cabral sa La Union subalit pagdating sa Maramal, Camp 5,Camp 4 ay nagpaiwan ito ng pasado alas tres ng hapon.
Binalikan ito ng driver ng pasado alas-5 ng hapon at hindi na niya makita ang dating DPWH official
Kaya pagdating ng ala-7 ng gabi ay nagpatulong ito sa kapulisan at doon nakita na wala ng buhay si Cabral sa may lalim na 30 metro na bangin.
Kasama si Cabral sa inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na makasuhan dahil sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa mga flood control.
Dahil dito ay inatasan ng Office of the Ombudsman ang Benguet Police na itabi ang mga gadget gaya ng cellphone ni Cabral.
Habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.
















