-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos na bumagsak ang isang charter plane sa western Alaska.
Ayon sa Federal Aviation Administration na galing sa Anchorage, Alaska at patungo sana sa Cape Newenham ang Cessna 441 na eroplano ng ito ay bumagsak.
Sinabi ni Clint Johnson ang hepe ng National Transportation Safety Board ng Alaska region, na ang mga biktima ay kinabibilangan ng dalawang piloto at anim na pasahero.
Ang nasabing eroplano ay isang civilian-contracted flight na may kargang walong katao.
Ilang minuto na lamang bago mag-landing ang eroplano sa Cape Newenham Airport na isang Air Force airstrip ng bigla itong bumagsak.
Patuloy naman ang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.
















