-- Advertisements --
Patay ang isang katao matapos ang pagbagsak ng helicopter sa southern New Jersey.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) na nagbanggaan ang dalawang helicopter sa ere kaya kapwa bumagsak ang mga ito.
Agad naman na naapula ang mga nasunog na helicopter kung saan isang biktima naman ang itinakbo sa pagamutan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng National Transportation Safety Board at FAA sa nasabing insidente.
















