-- Advertisements --

Asahan ang mga mataas na pamasahe ng mga pampasaherong eroplano sa unang dalawang linggo ng Agosto.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na ang fuel surcharge ay itataas sa Level 13 mula Agosto 1 hanggang 15.

Ito ay kasunod na patuloy na nagaganap na tensiyon sa pagitan ng US at Iran.

Mula nitong Hulyo 16 hanggang 31, 2026 ay nasa Level 8 ang fuel surcharges.

Sa ilalim ng Level 13 ang mga pasahero ay magbabayad ng P423 hanggang P1,237 sa fuel surcharges para sa domestic flights at mula P1,396.74 hanggang P10,385.42 naman para sa international flight.

Ang fuel surcharge ay optional fee bukod pa sa base fare kung saan maaaring ipasa ng airlines sa mga pasahero ito para makabawi sa pagkalugi dahil sa taas ng jet fuel.