-- Advertisements --

Magmamahal ang pasahe sa eroplano mula Abril 1 hanggang 15, 2026, dahil itinaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 8.

Ang mga domestic flight ay tataas ng ₱253–₱787, habang ang international flights ay maaaring tumaas ng hanggang ₱6,200 dahil sa taas-presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ang bagong singil sa domestic flights ay ilalapat sa mga ticket na ang biyahe o na-book ay mula Abril 1-15, 2026.

Ang pagtaas ay dulot ng pabago-bagong presyo ng jet fuel sa merkado, na nagtulak sa CAB na itaas ang surcharge mula Level 4 patungong Level 8.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na mag-book nang maaga upang maiwasan ang mas mataas na gastusin sa susunod na buwan.