Naging puspusan na ang ensayo ng Philippine women’s national futsal team o kilala bilang Filipina5.
Mula Oktubre 29 hanggag Nobyembre 11 ay magsasanay ang koponan sa Barcelona at Madrid, Spain para sa matinding ensayo.
Ito na ang huling training ng koponan bago ang pag-host nila ng 2025 FIFA Futsal Women’s World Cup (FFWWC) na gaganapin sa Pasig City sa Nobyembre 21.
Ayon kay Philippine Football Federation President John Anthony Gutierrez na nagkaroon ng mga friendly games ang koponan.
Dagdag pa nito na isang mahalaga ang nasabing ensayo para maipakita ang kanilang kagalingan sa futsal bilang host country.
Unang makakaharap ng Pilipinas ang Poland sa Nobyembre 21 habang sa Nobyembre 24 ay makakaharap nila ang Morocco na susundan naman ng Argentina sa Nobyembre 27.
















