-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagtipon sa Cebu nitong Lunes, Enero 26, ang mga senior tourism officials mula sa 11 kasaping bansa ng ASEAN para sa ika-63rd ASEAN National Tourism Organization (NTO) Meeting.

Pinangunahan ni Department of Tourism Undersecretary Verna Emeralda Buensuceso at ng Singapore ang pagpupulong na nagsisilbing panimula sa serye ng mga aktibidad bago ang pagbubukas ng ASEAN Tourism Summit sa Enero 28.

Sa kanyang opening remarks, binigyang-diin ni Buensuceso ang makasaysayang papel ng Cebu sa kooperasyong panturismo ng ASEAN at ang kahalagahan ng pagbabalik ng mga delegado sa lungsod ngayong 2026, kasabay ng pormal na pagtanggap sa Timor-Leste bilang ika-11 miyembro ng ASEAN.

Ayon sa kanya, napapanahon at may malinaw na layunin ang pagpupulong—upang higit pang ihanay ang mga estratehiya, pamantayan, at inobasyon ng mga bansa at tiyaking mananatiling “force for good” ang turismo sa rehiyon sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.

Ang 63rd ASEAN National Tourism Organization’s meeting at bahagi ng week-long series ng ASEAN tourism activities sa Cebu.