-- Advertisements --

Patay ang nasa 49 katao matapos ang pagtaob ng bangkang sinakyan nila sa north-west African country na Mauritania.

Ayon sa Maurtiania coastguards na mayroong tinatayang 100 na iba pa ang nawawala kung saan 17naman ang kanilang nailigtas at patungo ang mga ito sa Canary Island sa Spain.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na lulan ng dugout canoe ang mga biktima at patungo sa Canary Islands ng Spain.

Inilahad ng isang nakaligtas na galing ang bangka sa The Gambia noong nakaraang linggo.

Aabot sa 160 ang kabuuang pasahero na karamihan sa kanila ay mga Gambian at Senegalese nationals.

Noong nakaraang taon ay aabot sa 47,000 katao ang nakarating na sa Canary Islands at tinatayang nasa 9,000 na mga migrants ang nasawi dahil sa pagtatangka ng umabot sa isla.