-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamahalaan ng Spain na magpadala sila ng humanitarian aid sa Cuba, na kasalukuyang nakararanas ng malubhang krisis pang-ekonomiya at kakulangan sa mahahalagang suplay dahil sa epekto ng tinatawag na de facto na fuel blockade ng Estados Unidos.

Sa tulong ng United Nations, magbibigay ang Espanya ng pagkain at mga pangunahing produktong pangkalusugan sa pamamagitan upang matulungan ang mga mamamayan ng Cuba na nahihirapan sa kakulangan ng suplay at serbisyo.

Ginawa ang anunsyo matapos na magpadala ang Mexico ng higit 800 toneladang humanitarian aid sa Cuba na dumating lang kamakailan.

Nabatid na ang krisis ng bansa ay pinalala pa ng mga pag-hihigpit ng administrasyon ng U.S. kung saan apektado ang suplay ng langis at produktong petrolyo, kabilang ang pagbabanta ng mataas na taripa para sa mga bansang susubok na magbigay ng fuel sa Cuba.

Dahil dito ipinatupad na ng Cuban government ang emergency, tulad ng paghihigpit ng pag-bebenta ng gasolina at pagbawas ng pampublikong transportasyon, habang nagpapatuloy ang mga power outage at kakulangan sa pagkain at gamot sa bansa.

Sa Madrid, ibinahagi naman ng Cuban Foreign Minister ang hangarin na palakasin ang political, economic‑trade, at cooperation dialogue sa pagitan ng Spain at Cuba.