-- Advertisements --

Inanunsyo ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na balak na niyang tapusin ang kaniyang karera sa politika kapag natapos na ang kaniyang termino sa Senado sa taong 2031.

Sa isang pulong balitaan, inihayag niya na bagamat mayroon pa siyang pagkakataon na tumakbo sa susunod na national elections sa 2028 ay wala na siyang intensiyong tumakbo pa.

Plano aniya ni Lacson na tapusin na ang kaniyang karera kasabay ng pagtatapos ng kaniyang termino sa Senado.

Samantala, nauna na ring naging matunog ang pangalan ni Senator Robin Padilla na siyang nagpahayag ng kahandaan na maging running mate ni Vice President Sara Duterte habang tinatandem naman sa ngayon si Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Bam Aquino para sa presidential elections sa 2028.