-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang paghahanda sa harap ng tumitinding epekto ng climate change, kasabay ng pag-obserba ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week.

Sinabi ni Duterte na bagaman mababa ang carbon emissions ng Pilipinas, tayo ang labis na tinatamaan, kabilang ang 15 bagyong nagdulot ng matinding pinsala at malawakang paglikas ngayong taon.

Hinimok niya ang LGUs na isama sa kanilang development plans ang mas komprehensibong climate adaptation, kabilang ang pangangalaga ng kagubatan, mangrove areas, ilog at karagatan. Dagdag pa niya, mahalaga ang pamumuhunan sa early warning systems para sa mas matatag na komunidad.

Nanawagan din si Duterte sa bawat Pilipino na magsanay ng maliliit ngunit makabuluhang hakbang laban sa climate change, tulad ng pagbabawas ng basura, pag-iwas sa single-use plastics, at paggamit ng sustainable practices.

Giit niya, personal na isyu ang climate change dahil apektado nito ang kabuhayan, tirahan, at pangmatagalang seguridad ng mga Pilipino. (report by Bombo Jai)