Kinuwestyon ni UPLB Prof. Antonio Contreras ang pagkakasama ng pangalan ni ML partylist Rep. Liela de Lima sa “maleta scandal” o mga personalidad na umano’y tumanggap ng male-maletang pera.
Ayon kay Contreras, papaano raw mabibigyan ng suhol si De Lima mula 2022, gayung taong 2023 lang siya nakalaya mula sa PNP Custodial Center.
Pinuna rin nito kung bakit puro kritiko lang ng mga Duterte ang mga nakalistang idinadawit sa iskandalo.
Na-cite pa nito ang social media post mula kay dating Chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica.
Pasaring pa nito, bakit daw hindi ayusin ang script, kahit may mga supporters naman na mga writer at director.
Sa huli, naniniwala ang propesor na gawa-gawa lamang ang listahan para magpalutang ng duda mula sa tunay na usapin ng korapsyon sa flood control.
















