Isang pag-aaral mula sa University of East Anglia ang nagpakita na ang mga polar bear ay dumadaan sa mabilis na pagbabago sa kanilang genes, na pinaniniwalaang dulot ng pagbabago ng klima.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ng mga siyentipiko ang isang mammal, tulad ng polar bear, na inaangkop ang kanilang DNA sa aktwal na panahon bilang tugon sa environmental stress, partikular na ang pagtaas ng temperatura.
Ayon kay Alice Godden, lead researcher ng pag-aaral, ang mga genetic na pagbabago ay isang desperadong mekanismo para sa kaligtasan ng mga polar bear laban sa natutunaw na yelo sa Arctic Ocean.
Halimbawa rito sa timog-silangang bahagi ng Greenland kung saan napagalaman ng mga siyentipiko ang pag-iiba ng kanilang diet mula kasi sa tradisyonal na seal-based, at high-fat diet patungo sa mga kinakain nilang halaman.
Inanalyze din ng research team ang genetic data ng mga oso mula sa 17 at napansin nila ang genetic divergence mula sa mga polar bear sa hilagang-silangang Greenland.
Kumbensido ang mga siyentipiko na ang prosesong ito ay nagsimula noong 200 taon na ang nakakalipas at iniugnay ito sa mga epekto ng pagbabago ng klima.
Bagama’y may pag-asa sa mga genetic adaptation ng mga polar bear, binigyang-diin ni Godden na hindi ito sapat para matiyak ang kanilang pangmatagalang kaligtasan.
Inaasahang mawawala ang 2/3 ng populasyon ng mga polar bear bago mag 2050, kaya’t pinaalalahanan ni Godden ang pangangailangan ng agarang aksyon upang mabawasan ang mga carbon emissions at tulungan ang conservation efforts para sa mga oso.
Batay kasi sa U.S. Fish and Wildlife Service may kasalukuyang 26,000 na populasyon ang mga oso sa buong mundo kung saan napapabilang na ang mga ito sa listahan ng mga endangered species.
















