Binili ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang isang historical house sa Germany dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kasaysayan ng Pilipinas at maging sa cultural heritage nito.
Ang tahanan kasi na binili ni Leviste ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil dito umano tinapos ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ang isa sa kaniyang mga kilalang obra na Noli Me Tangere.
Ang naging bigtime purchase na ito ng mambabatas ay kaniyang inanunsyo sa kaniyang social media accounts nitong Linggo, Marso 15 bagamat walang detalye kung magkano ito nabili ng kongresista ang naturang bahay.
Nakasaad din sa pahayag na layon aniya ng bigtime purchase na ito na mas pagingatan at payabungin pa ang mga historic sites na siyang bahagi ng Philippine Hsitory.
Samantala, matatagpuan sa Wilhelmsfeld, Germany ang tahanan na siyang balak ngayong gawin na isang museum batay na rin sa naging suhestiyon ng ina ng kongresista na si Sen. Loren Legarda.
Matatandaan naman na nitong matapos ang Covid-19 pandemic, una itong inalok sa senadora.
















