-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Palace Press Officer Claire Castro na nakakuha ang Pilipinas ng sampung milyong dolyar mula sa Adaptation Fund para sa isang proyekto na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa Tawi-Tawi laban sa epekto ng climate change.

Ang proyekto na tinaguriang “Harnessing the Water-Energy-Food Nexus to Address and Adapt to Climate Change Impacts in Tawi-Tawi” ay tututok sa pagsasaayos at pagpapatatag ng access sa tubig, enerhiya, at pagkain sa mga bayan ng Sibutu at Sitangkai.

Layon ng proyekto na matugunan ang lumalalang hamon sa supply ng malinis na tubig, lalo na sa mga lugar na vulnerable sa epekto ng pabagu-bagong klima. 

Sinabi ni Castro Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan upang masiguro ang mas ligtas, matatag, at climate-resilient na kinabukasan para sa mga komunidad sa malalayong isla.

Ang inisyatiba ay bahagi ng pagtutulak ng administrasyon para sa isang Bagong Pilipinas na mas handa at matibay sa harap ng mga hamong dulot ng pagbabago ng klima.