-- Advertisements --

Bumisita si tv-host actress Kris Aquino sa Malacañan Palace.

Naghanda si First Lady Liza Araneta-Marcos sa actress bilang kanyiang post-birthday celebration noong Pebrero.

Ipinagdiwang kasi ng aktres ang kaniyang ika-55 na kaarawan noong Pebrero 14 habang patuloy ang pakikipaglaban nito sa ilang autoimmune disease.

Ang pagtitipon sa Palasyo ay inayos ng fashion designer na si Michale Leyva na kapwa kaibigan nina Kris at ang First Lady.

Noong Oktubre rin ng nakaraang taon ay nagkita rin ang dalawa sa kaarawan ni Leyva.

Sandaling dumaan si Pangulong Ferdinand Marcos para kumain at nakipagkuha ng larawan sa dalawa bago umalis.

Huling nakabisita si Kris sa Bahay Pangulo ay noong 2016 sa panahon ng kaniyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Magkamag-anak sina Kris at Liza dahil sa ang tiyahin ng First Lady na si Demetria Sumulong ay ikinasal sa lolo ni Kris na si Don Jose “Pepe” Cojuangco.

Si Sumulong ay hipag ng kapatid ng First Lady na si Manuel Araneta kung saan ang kanilang tiiyahin din an si Rosario Cacho ay ikinasal sa tiiyuhin ni Kris na si Pedro Cojuangco.