Hindi muna magbibigay ng reaksyon si Vice President Sara Duterte sa impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sinabi niya niton habang nasa The Hague, Netherlands.
Ang impeachment complaint ay isinampa ng abogado na si Andre de Jesus na nag-akusa kay Marcos ng graft at korapsyon, culpable violation ng Konstitusyon, at pagtataksil sa tiwala ng publiko. Kabilang din sa reklamo ang umano’y “kakulangan sa kakayahang magsilbi” ng Pangulo dahil sa alegadong pagkakaadik sa droga, na sinasabing sinusuportahan ng dating pahayag ng kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos.
Inendorso naman ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party List Rep. Jett Nisay ang nasabing impeachment complaint.
Sa pahayag naman ng Presidential Communications Office, iginiit nila ang paggalang sa pagsampa ng reklamo at binigyang-diin na matibay ang mga institusyon ng Pilipinas at malinaw ang mga proseso.
Gayunpaman, inilarawan ni Palace Press Officer Claire Castro ang reklamo bilang walang basehan. (report by Bombo Jai)
















