-- Advertisements --

Hinimok ni PHIVOLCS Senior Science Research Specialist Johnlery Deximo ang publiko na huwag balewalain ang mga aftershocks mula sa 6.9 magnitude na lindol sa Bogo, Cebu.

Maaari kasing bumagsak ang mahihinang istraktura na hindi bumigay agad noong tumama ang main quake.

Ilan sa tinitingnang factors ang mga pag-ulan na nagpapahina sa pundasyon ng lupa at ang madalas na pagyanig sa mga partikular na lugar.

Sa data ng Phivolcs, umaabot na sa halos 4,000 ang naitalang aftershocks.

Nasa 806 sa mga ito ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang monitoring facility ng ahensya.

Habang 21 naman ang naramdaman ng mga residente.

Ang lakas ng aftershocks ay mula magnitude 1.0 hanggang magnitude 5.1.

Inaasahang magpapatuloy pa ito hanggang sa mga darating na linggo.