-- Advertisements --

Nagbabala si UN Secretary-General António Guterres sa isang emergency meeting ng Security Council na ang gulo sa Gitnang Silangan ay maaaring humantong sa isang trahedyang “hindi na kayang kontrolin.

Ito’y kasunod ng ikinasang joint combat operations ng Amerika at Israel laban sa Iran na sinundan ng pagsalakay sa Tehran kung saan napatay ang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.

Ang pahayag ay ginawa ni Guterres sa isang emergency meeting ng UN Security Council matapos ang serye ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, na sinundan naman ng mga ganting-salakay ng Tehran.

Binigyang-diin ni Guterres na ang anumang aksyong militar sa pinaka-volatille na rehiyon sa mundo ay may panganib na maghikayat ng malawakang giyera.

Dagdag pa ni Guterres, ang mga aksyong militar ay maaaring maging mitsa ng sunod-sunod na kaguluhan sa rehiyon.

Naniniwala ang UN Chief na makakamit lamang ang katahimikan sa pamamagitan ng tapat na negosasyon at diyalogo, hindi sa dahas.

Dahil dito hinimok ni Guterres ang lahat ng panig na itigil agad ang giyera.