-- Advertisements --

Hindi na matutuloy ang inaabangang rematch ni Pinoy boxing champion Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather.

Kinumpirma ito ng kampo ng Pambansang Kamao kung saan hindi pa tiyak kung kailan ito matutuloy.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagkansela rin ng nakatakdang exhibition boxing match ni Mayweather sa Greece.

Ilan sa mga inilagay na dahilan ng kampo ni Pacquioa ay ang ilang mga federal lawsuits, scheduling overlooks at problema sa pinansiyal.

Nagsampa kasi ng kaso ang events company na CSI laban kay Mayweather noong nakaraang linggo na layon nilang mabawi ang nasa $4.65-milyon na ibinayad sa mga boksingero para sa exclusive rights na ipromote ang Pacquiao rematch ganun din ang exhibition bout laban kay dating heavyweight champion Mike Tyson.

Maguguntang taong 2015 ng magharap sina Pacquia at Mayweather kung saan nakakuha ito ng mahigit na 4.6 milyon pay-per-view buys.