-- Advertisements --
Nakapasok na sa billionaire club si Bollywood superstar Shah Rukh Khan.
Ayon sa Hurun India Rich List 2025 na mayroong net worth na yaman ang 59-anyos na actor na aabot sa $1.4 bilyon.
Dahil din dito ay kabilang na rin siya sa listahan ng Forbes.
Kahanay na niya sina Arnold Schwarzenegger, pop star Rihanna, golfer Tiger Woods, at singer Taylor Swift na mayroong parehas na yaman na $1.6 bilyon.
Mahigit tatlong dekada na itong gumagawa ng pelikula sa India kung saan bukod sa showbiz ay marami na rin itong endorsement ng mga produkto na siyang nagdadagdag sa kaniyang kita.