-- Advertisements --
Kasama na sa billionaires list ng Forbes magazine si tennis legend Roger Federer.
Base sa estimate ng Forbes na mayroong kabuuang yaman ang 20-time Grand Slam Champion na $1.1 bilyon.
Galing ang yaman ng 44-anyos na retired Swiss tennis star sa kaniyang clothing at shoe company.
Bukod pa dito ang ilang mga sponsorship at endorsement ng mga sports brand.
Bagamat retirado na ay maglalaro ito sa isang exhibition game sa Shanghai Masters na tinaguriang “Roger Federer and Friends Celebrity Doubles Match”.