-- Advertisements --

Pumanaw na ang may-ari ng OnlyFans site na si Leonid Radvinsky sa edad na 43.

Kinumpirma ng kumpanya ang pagpanaw ng may-ari nito dahil sa ilang taon na pakikipaglaban sa cancer.

Humingi na lamang ang kumpanya ng privacy para sa kanilang mga pamilya.

Isinilang siya sa Ukraine at lumaki sa Chicago kung saan binili nito ang kumpanya noong 2018 mula sa dalawang UK-based founders.

Nagtapos siya ng economics degree mula sa Northwestern University at nanirahan sa Florida.

Sumikat ang site noong Covid-19 pandemic na isang revolutionized online porn industry.

Matapos ang tatlong taon ay nakapasok si Radvinsky sa listahan ng Forbes Billionaires list.

Tinatayang mayroong itong kabuuang yaman na aabot sa mahigit $4.7-B.

Itinaguyod noong 2016 ang nasabing social media platform kung saan ang creators ay maaaring magpost ng videos at larawan kung saan sinisingil nila ang mga subscribers para sa tips at monthly fee.

Kumukuha ang online platform ng 20 percent sa lahat ng mga bayad.

Myaroong mahigit 400 milyon subscribers noong 2024 kung saan kumita ito ng mahigit $1.4 bilyon.