-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng organizers ng US Open ang kanilang magiging kabuuang premyo.

Ayon sa US Open na aabot ito sa $108 milyon o katumbas ng nasa P7 bilyon ang premyo ngayong 2026.

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Grand Slam.

Mas mataas ito ng 20 porsyento ang premyo kaysa sa nakaraang taon.

Ang magkakampeon sa men’s at women’s ay magbubulsa ng $5.5-M o katumbas ng nasa P340-M bawat isa na ito ay 10 percent na mataas kumpara noong nakaraang taon.

Habang ang ma-eliminate sa opening round ay makakatanggap ng $140,000 o katumbas ng nasa P9-M na ito ay mas mataas ng 27 percent kumpara noong nakaraang taon.

Habang sa doubles ay makakatanggap ang mga mananalo sa men’s,women’s at mixed draws ng tig-$1-M o katumbas ng nasa P61-M.

Bukod pa dito ay mayroong $2-M o nasa P124-M na nakalaan para sa player welfare fund.