-- Advertisements --
Nakasama na sa listahan ng mga bilyonaryo sa buong mundo ang rapper na si Dr. Dre.
Ayon sa Forbes, ang rapper na si Andre Romell Young sa tunay na buhay ay siyang pang-anim na musicians na idineklarang bilyonaryo.
Mayroong kabuuang yaman nito na tinatayang $3 bilyon kung saan mula ang yaman nito sa kaniyang signature headphones na Beats Electronics at streaming service na Beats Music.
Itinayo nito ang Aftermath Entertainment record label sa nagdaang 30 taon matapos na umalis sa rap group na N.W.A.
Kasama rin na itinaguyod nito ang kaniyang Death Row Records na tumulong sa mga career nina Eminem, 50 Cent at Kendrick Lamar.















