-- Advertisements --

Nagbayad ng $160,000 o katumbas ng halos P10 milyon si Taylor Swift sa New York City para makakuha ng permit sa kasal nila ni NFL star Travis Kelce sa Madison Square Garden.

Kinumpirma ito ni New York City Mayor Zohran Mamdani, kung saan binayaran ni Swift ang lahat ng mga kailangan para sa dalawang araw na kaganapan.

Kabilang na rin ang kabayaran sa pagbibigay ng mga seguridad dahil ito ay dinaluhan ng ilang daang mga celebrities.

Hindi naman binanggit ng alkalde kung magkano ang lahat ng mga nagastos ng billionaire pop singer sa nasabing kasal.

Subalit lumabas sa ulat ng Forbes na mayroong mahigit $20-M ang buong nagastos sa kasal.
Bago magpakasal ang dalawa ay nag-donate sila ng $26-M sa ilang charities.