-- Advertisements --

Tinagurian ngayong bilang pinakabatang Songwriters Hall of Fame ang singer na si Taylor Swift.

Ang nasabing titulo ay unang hawak ni Carole Bayer Sager noong ito ay 43 anyos sa taong 1987.

Habang si Stevie Wonder ay nananatiling pinakabatang nagkamit ng nasabing award sa edad na 32 noong 1983.

Pasok ang mga artists sa Hall of Fame matapos ang 20 taon ng mailabas nila ang unang commercial track.

Para kay Swift ay nailabas nito ang kaniyang kantang “Tim McGraw” noong Hunyo 2006.

Umabot na sa 12 album ang kaniyang nagawa na umikot mula sa iba’t-ibang genre gaya ng country, pop, folk.

Nagkamit na rin ito ng 14 na Grammy Awards sa US kabilang ang apat na Album of the Year trophies.

Kasamang nahalal sa Hall of Fame sina Gene Simmons at Paul Stanley ng KISS.