-- Advertisements --

Mayroong mahigit 1,000 katao ang inimbitahan nina Taylor Swift at Travis Kelce sa kanilang kasal.

Nakatakdang ganapin ito sa Madison Square Garden, sa New York sa darating na Hulyo 3.

Mas minabuti ng dalawa na personal na imbitahan ang mga bisita kaysa ipadala ito sa digital type para maiwasan na ito ay kumalat para sa kanilang privacy.

Nakahanda na rin ang mga security plans kung saan nakipag-ugnayan na sila sa New York Police District para maiwasan ang anumang kaguluhan.

Magugunitang nasa walong beses ng nagtanghal si Taylor Swift sa Madison Square Garden noong mga nagdaang taon.