-- Advertisements --

Inamin ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na muling may kapalit ang kanyang paninindigan kontra sa katiwalian, kasabay ng pag-init ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Lacson, bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, may mga kaibigan umano siyang lumalayo ang loob sakanya at may mga bago umanong kaaway siya na nabubuo habang tinutunton ng komite ang ibidensya sa katiwalian.

“Deja vu” kung tawagin ito ng senador na aniya’y katulad ng kaniyang karanasan noong 2003 nang isulong niya ang pagbasura sa sistemang pork barrel sa kanyang privilege speech na “Living Wihtout Pork”

Sa isang pahayag sinabi ni Lacson na batid niyang may mga posibleng personal at pampulitakang epekto nang tanggapin niya ang pamumuno ng komite. Aniya, ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects at isa sa mga pinakamaselang usapin na kinakaharap ng senado sa kasalukuyan, dahil posibleng madawit ang ilang mambabatas at matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa kabila nito, nanindigan ang Senador na mananatili siyang nakatoun sa ebidensya at mandato ng komite. Aniya, hindi umano siya nag-iimbento ng kuwento o nandadawit lang ng Kahit na sino sa isinasagawang imbestigasyon, tanging sinusunod lamang niya ang itinuturo ng ebidensya at binigyang-diin na malinis ang kaniyang konsensya.

Sa huli, sinabi ni Lacson na hindi na siya bago sa ganitong sitwasyon, ngunit tulad noong 2003, handa umano siyang harapin ang epekto nito, basta’t ang katotohanan at pananagutan ang mananaig